
UNTV at Breakthrough and Milestones Production International (BMPI), nagsulong muli ng isang proyekto na naglalayon na makatulong sa nangangailangan, ang kauna-unahang UNTV Cup na kamakailan ay ginanap sa Smart Araneta Coliseum sa ganap na ika-7 ng gabi noong Hulyo 29, 2013.
Nagsimula ang programa sa pag-awit ni Shanne Velasco ng National Anthem. Sunod nito ay ang pagpapakilala sa pitong grupo na maglalaro mula sa iba't-ibang ahensya ng gobyerno, ang grupo ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Department of Justice (DOJ), Philippine National Police (PNP), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Philhealth, (LGUs), at Supreme Court. Sinamahan rin ito ng tigalawang artista sa bawat grupo, na kung saan ay tinilian ng maraming mga manonood. Ilan sa mga ito ay sina James Blanco, Onyok Velasco, ang magkapatid na sina Kier at Zoren Legaspi at iba pa, na magpapamalas ng angking galing sa paglalaro ng basketball. Sunod nito ay ang pagbunot ng pitong grupo kung sino ang dalawang grupo na unang maglalaro. At ang nakabunot ay ang DOJ at AFP.
Ang nasabing proyekto ay pinangungunahan ni Mr. Public Service Kuya Daniel Razon at PBA Legend na si Atoy Co. Ang grupo na magiging kampeon ay tatanggap ng Php 1 milyon na kung saan ipagkakaloob ito sa napili nilang charitable institution.
Nang magsimula na ang laro laban sa dalawang grupo, unti-unti ng naghiyawan ang mga manonood sa bawat shoot ng bola sa basketball net . Ang unang shoot ng bola ay nanggaling sa DOJ mula kay Mark Cavaliero. Pagkatapos ng unang quarter ng laro, agad ng nilamangan ng AFP ang DOJ sa puntos na 33/16. Sa pagpapatuloy ng laro hanggang sa ikatlong quarter, patuloy parin na tinambakan ng puntos ang DOJ ng AFP.
Sa pagtatapos ng liga, nanalo sa unang game ang grupo ng AFP laban sa DOJ sa puntos na 117/71.
Patuloy pa rin na isinasagaw ang proyektong ito sa kasalukuyan at maglalaban ang dalawang grupo sa darating na Nobyembre sa kampeonato ng kauna-unahang UNTV Cup.
Straight News
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento